Sunday, September 13, 2009

Magandang araw !!!

Una sa lahat, magandang araw po sa mga mambabasa ng blog na ito. Ako po ay isang simpleng mamamayan ng bansang ito na kumikita ng patas. Naisipan kong gawin ang sulating ito dahil sa sitwasyong paulit-ulit ko nang nakakaharap.

Sandamukal ang mga palpak na
produkto at serbisyo na ating natatanggap kapalit ng pinaghirapang salapi. Marahil po ay kaisa ko ang marami sa inyo.

Tatalakayin po sa blog na ito ang mga hinaing at mga papuri.
Tutuligsain o dili kaya'y bibigyan ng tapik sa balikat ang mga taong nasasangkot. 'Ika nga nila sa Ingles - rants and raves.


Magiging paksa rin po rito ang mga kapansin-pansin na bagay, kaganapan, o anupamang konsepto.

Maligayang pagbasa sa inyong lahat.

No comments:

Post a Comment