Kapag may bakanteng panahon, simulan agad ang anumang dapat tapusin. Mahirap matukoy kung ano ang susunod na mangyayari.
Kapag may sobrang pera, huwag mag-aksaya. Mahirap matukoy kung ano ang susunod na pagkakagastusan.
Ganyan pala ang kahalagahan ng panahon at pera ...
Tuesday, September 22, 2009
Friday, September 18, 2009
Kapuri-puring Taxi Driver
Ito po ay karugtong ng posting na "Isnaberong Taxi Driver #2."
Pinasakay kami ng driver ng taxi na ang plate number ay TXV 550. Ang pangalan ng operator ay Sailing.
Sa kabutihang-palad ay masasabing naging smooth-sailing ang biyahe patungo sa SM San Lazaro. Maparaan sa paghahanap ng rutang dapat tahakin upang makaiwas sa lugar na may mabigat na trapiko. Higit sa lahat, magalang siya sa mga pasahero.
Hindi ko ugaling magbigay ng tip sa taxi driver, pero sa pagkakataong iyon ay ginawa ko.
Sana ay marami pang driver na katulad niya.

Isnaberong Taxi Driver #2
Noon pong Biyernes ng gabi, Setyembre 18, ay kasama ko ang aking nobya sa pag-aabang ng taxi sa Crossings Department Store, Quezon Ave. Kami ay papunta sa SM San Lazaro, Manila. Hindi po kami pinasakay ng driver ng R & E taxi na may plate number na PXG 906.
Pakitandaan lang po at huwag kayong sasakay. Hindi dapat bigyan ng pagkakataong kumita ang mga taong nag-aasal nang ganito.

Wednesday, September 16, 2009
Bagong Noodle Soup ng Chowking
Sa umagang malamig ang simoy ng hangin, mainit na sabaw ang higupin.
Sinusunod ko ang pahayag na iyan. Ang init ng sabaw ay parang daloy ng ilog sa unang araw ng tagsibol. Tinutunaw nito ang niyebeng nakakulapol sa pampang. Kasabay ng lagaslas ang pangingibabaw ng sinag ng Araw. Unti-unting nagdudulot ng liwanag upang maaninag ang bughaw ng kalangitan, ang mga luntiang dahon, at ang kayumangging lupa.
Teka muna ...
Pihong naligaw na ako ng landas. Babagtasin ko lang naman sana ang ilog pero inanod ako.
Ako ay dadako na sa tunay na paksa. Ito ay ang bagong produkto na handog ng Chowking – ang Emperor's Beef Noodles.
Ganyan ang almusal ko para sa araw na ito. Una nating pagtuuunan ng pansin ang sabaw. Bukod sa angkop sa mga pinagsasabi ko, malalasahan nang husto ang mga panrekado. May halong Chinese pechay, siling pula, at sibuyas na mura. Kakaibang bango ang dulot ng tropa ng mga sangkap – napapawi ang urban odor mula sa labas na naipon sa ilong ko.
Iminumungkahi ko na mainam na gawing sawasawan ng Oriental Barbeque Pao ang sabaw.
Ang beef ay malambot – tamang-tama ang pagkaluto. Hindi pinahirapan ng karne ang ngipin ko at inaasahan kong magiging maganda ang digestion.
Dikit-dikit nga lang 'yung ibang noodles, pero palagay ko ay dulot iyon ng pagmamadali upang maihain kaagad ang bagong putahe. Marahil ay hindi naman ganoon sa ibang Chowking outlet.
Sa pangkalahatang pagsusuri ay nasiyahan ako. Isang mas murang alternatibo sa high-end beef noodles na mabibili sa Class A restaurants.
Ang bill:
1 Emperor's Beef Noodles merienda size ... PhP 79.00
1 Oriental Barbeque Pao (double) ... PhP 45.00
1 Nai Cha 12 oz. ... PhP 39.00
Subukan niyo rin...

Tuesday, September 15, 2009
Kung ikaw ay papunta sa Barangay Longos, Calumpit, Bulacan ...
... mas maganda na sumakay ka sa Victory Liner bus na nasa Monumento terminal. Bukod sa pagiging accommodating ng mga konduktor nila, nakatitiyak ka na walang cutting trip na magaganap.
Makatitipid ka sa oras at sa pasahe. Nice!
Ang problema kasi sa ibang driver ng FX taxi - nagka-cutting trip. Sa terminal nila sa Cubao, halos akayin ka pa patungo sa sasakyan ng dispatcher na nagsasabing dadaan sa Longos. Iyon pala, sa Malolos Crossing ka lang ibababa ng "mabait" na driver.
Ano kaya ang mayroon sa sitwasyong ito? Isang simpleng kaso ng 'di-pagkakaunawaan o garapalang pagsisinungaling?

Sunday, September 13, 2009
Super 8 Grocery Warehouse Malolos
Ako ay namili sa sangay ng Super 8 Grocery sa Lungsod ng Malolos, noong maulan na hapon ng Setyembre 13, araw ng Linggo. Masasabi kong isa itong welcome change dahil nakasanayan ko nang mamili sa Puregold at sa South Supermarket.
Mas mura ang presyo ng maraming produkto sa bilihang ito kumpara sa dalawa pang nabanggit - isang pang-akit sa mga mamimili.
May isa lang akong puna at ito ang paksa ng tatalakayin kong hinaing.
Kapag ang mamimili ay nasa counter, inaasahan mo na pinapairal na ng mga bagger ang common sense. Nakagrupo ang mga produkto ayon sa kung ito ba ay nakakain o hindi, o dili kaya'y basa o hindi. Ang pagkakamali ko, hindi ko pinanood nang maigi ang paglalagay ng mga pinamili ko sa mga plastic bag.
Pagdating ko sa bahay ay iniisa-isa ko nang suriin ang mga plastic bag. Laking-gulat ko ng matuklasan ko na ang frozen items ay isinama pala sa mga bagay na hindi nakakain. Ang oxtripe ay itinabi sa katol at sabong panlaba. Mabuti na lang at hindi humawa ang amoy.
Pinagsama ng bagger ang basa at tuyo. Ang karton ng gatas, karton ng sabon, at mga posporo ay nabasa ng nakasupot na liempo. Paano ko maitatago nang maayos sa iskaparate ang nakakarton na gatas?!
Hindi ko na ipamamalit ang dalawang kahon ng posporo. Maaabala ako nang husto kung gagawin ko pa ito.
Nananawagan ako sa pamunuan ng Super 8 Grocery sa Lungsod ng Malolos.
Sana naman po ay bigyan ng karampatang pagsasanay ang kanilang mga tauhan, lalo na ang mga bagger. Simple lang naman ang dapat gawin, parang 'yung kanta sa "Batibot."
Pagsama-samahin ang pare-pareho.
Ang magkakatulad ay igrupo.
Isa pang mungkahi: Punasan nang maigi ang bahaging nilalapagan ng mga pinamili sa checkout counter.
Sana pagbalik ko rito ay maayos na ang kanilang sistema. Abangan pa ang aking mga darating na pitak ukol sa mga hinaing (Sana magkaroon ng mga papuri).

Isnaberong Taxi Driver
Noon pong Martes nang gabi ay nag-aabang ako ng taxi sa may panulukan ng Sgt. Esguerra Ave. at Quezon Ave. Ako ay papunta sa SM North EDSA. Hindi po ako pinasakay ng driver ng taxi na may plate number na TXB 119.
Ang operator ay NNL Taxi. Pakitandaan lang po at huwag kayong sasakay. Hindi dapat bigyan ng pagkakataong kumita ang mga taong nag-aasal nang ganito.

Magandang araw !!!
Una sa lahat, magandang araw po sa mga mambabasa ng blog na ito. Ako po ay isang simpleng mamamayan ng bansang ito na kumikita ng patas. Naisipan kong gawin ang sulating ito dahil sa sitwasyong paulit-ulit ko nang nakakaharap.
Sandamukal ang mga palpak na produkto at serbisyo na ating natatanggap kapalit ng pinaghirapang salapi. Marahil po ay kaisa ko ang marami sa inyo.
Tatalakayin po sa blog na ito ang mga hinaing at mga papuri. Tutuligsain o dili kaya'y bibigyan ng tapik sa balikat ang mga taong nasasangkot. 'Ika nga nila sa Ingles - rants and raves.
Magiging paksa rin po rito ang mga kapansin-pansin na bagay, kaganapan, o anupamang konsepto.
Maligayang pagbasa sa inyong lahat.

Subscribe to:
Posts (Atom)