Tuesday, September 15, 2009

Kung ikaw ay papunta sa Barangay Longos, Calumpit, Bulacan ...

... mas maganda na sumakay ka sa Victory Liner bus na nasa Monumento terminal. Bukod sa pagiging accommodating ng mga konduktor nila, nakatitiyak ka na walang cutting trip na magaganap.

Makatitipid ka sa oras at sa pasahe. Nice!

Ang problema kasi sa ibang driver ng FX taxi - nagka-cutting trip. Sa terminal nila sa Cubao, halos akayin ka pa patungo sa sasakyan ng dispatcher na nagsasabing dadaan sa Longos. Iyon pala, sa Malolos Crossing ka lang ibababa ng "mabait" na driver.

Ano kaya ang mayroon sa sitwasyong ito? Isang simpleng kaso ng 'di-pagkakaunawaan o garapalang pagsisinungaling?

No comments:

Post a Comment