Tuwing Biyernes ay nakaugalian na namin ng aking nobya na kumain sa KFC outlet na malapit sa MCU Caloocan.
Gusto naming mag-dine in sa KFC dahil sa unlimited gravy nila.
Ang KFC outlet na ito ang palagi naming pinupuntahan dahil matapos kumain ay sasakay na kami ng jeep na dadaan sa may Rizal Avenue.
Sa ganitong paraan ay natuklasan naming may KFC outlet din pala na malapit sa Monumento Station ng LRT. Kagabi, ika-anim ng Nobyembre, sinubukan naming kumain sa naturang outlet. Ilalahad ko lang ang ilang detalye na aming napagtuunan ng pansin.
Pumasok kami mga bandang 8:50. Masikip ang unang palapag -- isa o dalawang mesa lang ang nandoon kaya umakyat kami. Dinatnan namin ang mga makalat na bakanteng mesa sa ikalawang palapag. Wala na ngang malinis na mesa, animo'y naglalakad pa sa ilalim ng buwan ang mga empleyado.
Hindi sila nagmu-multitask -- gawaing kapansin-pansin sa ibang outlet. Kumakaway ako sa kanila upang magpatulong sa paglilinis ng mesa pero walang pumapansin sa akin. May pambayad naman ako, ah!
Kapansin-pansin ang kawalan nila ng proactive na pagkilos. Bagamat maraming customer, umabot pa ng humigit-kumulang sampung minuto bago nila tanggalin ang harang sa reserved area na hindi naman okupado.
Mga bandang 9:00 ako bumaba upang umorder. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa. Napakabagal ng pagsisilbi sa mga customer sa counter. Napansin ko lang na parang hindi alam ang gagawin ang iba. Bagamat may tatlong linya ng mga customer, may pagkakataon na apat na empleyado ang nakatunganga.
Lumipas ang maraming minuto bago ako mapagsilbihan. May mental note na ako upang umorder ng Twister and Hot Shot meals. Heto ang transcript ng naganap na diyalogo:
Ako (A): Bibili ako ng isang Twister meal at isang Hot Shot meal. Large ang Pepsi.
Empleyado (E): Wala na pong Twister meal at Hot Shot meal. Wala na rin pong Pepsi.
A: Ganun ba? Sige ... Famous Bowl na lang. Dalawang large root beer ang drinks.
E: Wala na rin pong Famous Bowl.
(Naiirita na ako sa puntong ito. Lahat ng orderin ko wala.)
A: O siya. Dalawang One-piece Chicken Meal at Mashed Potato na lang.
E: Wala na rin pong Mashed Potato.
A: Sige na nga. Dalawang One-piece Chicken Meal at dalawang large root beer.
Masyado na akong nagugutom kaya tiniis ko na. Masama ang loob ko dahil hindi man lang nila nilagyan ng karatula na not available ang mga inorder ko.
Sobrang tagal ng paghihintay ko. Ito ang oras na nakalagay sa resibo: 21:21, alas nueve veinte y uno.
Pagdating ko sa taas, walang empleyado na umaasikaso sa gravy station. Aba'y hinahayaan lang na solohin ng ibang customer. Kung ganun lang din ang sistema, mabuti pa sigurong lagyan ng isang pitsel na gravy ang bawat mesa.
Nakakawalang-gana ang dinner na iyon. Hindi kaya naiisip ng mga empleyado na kung walang customer, wala silang trabaho.
Aba naman! Ayusin nila ang serbisyo.
Kailangan yata nilang mag-seminar sa KFC outlet na malapit sa MCU.
Lubhang mas malinis ang lugar.
Mabilis ang serbisyong idinudulot ng magalang at pawang nakangiting mga empleyado.
Hindi napapabayaan ang gravy station.
Sulit ang ibinabayad ko sa KFC outlet na malapit sa MCU.
Naisulat ko na ang saloobin ko. Bahala na kayo kung aling outlet ang tatangkilikin niyo.
Saturday, November 7, 2009
Saturday, October 24, 2009
Ang Telebisyon sa Pilipinas
Sa panahon natin ngayon, masyado nang nakakaumay ang mga palabas sa telebisyon. Pagkagaling mo sa trabaho, bubuksan mo ang de-kuryenteng kahon at ano ang iyong mapapanood?
Mga teleserye na nagdudulot ng insulto sa ating pag-iisip ...
Mga reality show na ang mga kalahok ay wala nang gaanong dating kung ihahambing sa dati ...
Mga talent show daw pero taliwas ang mga katagang naglalaro sa aking isip - glorified karnabal ...
Hay naku!!! Magbabasa na lang ako ng libro, dyaryo o magasin. Pwede rin na simulan ko na ang backlog ko sa DVDs.
May mapapala naman sa ganitong sitwasyon:
Makatitipid tayo sa konsumo sa kuryente kasi 'di na tayo manonood ...
Makapagpapahinga tayo nang mas matagal kaya mas lulusog tayo ...
Mas mapapagana natin ang ating mga imahinasyon. Kung anuman ang ibig kong sabihin, bahala ka nang magpagana.
LSS tuloy mula sa kantang ginamit sa 1979 film na Monty Python's Life of Brian:
Hanggang sa muling pagsulat sa blog na ito ...

Always Look on the Bright Side of Life
Hanggang sa muling pagsulat sa blog na ito ...
Saturday, October 3, 2009
Ang Olympic Games sa Pilipinas (?)
Noong ikalawa ng Oktubre ay hinirang ang lungsod na magiging punong-abala sa Summer Olympic Games para sa taong 2016. Ito ay walang iba kundi ang Rio de Janeiro sa bansang Brazil.
(Nagka-LSS tuloy ako sa kantang Aquarela do Brasil.)
Isang milestone na maituturing sapagkat ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang pandaigdig na palaro sa isang lungsod sa Timog Amerika.
Kung tama ang pagkakaunawa ko sa aking aralin sa heograpiya, ikalawang pagkakataon na upang ang isang lungsod sa Amerika Latino ay pagdarausan ng naturang palaro. Ginanap na ito sa Mexico City noong 1968.
Napapaisip lang ako, kailan kaya gaganapin sa Pilipinas ang Olympic Games?
Sa nangyaring pananalasa ng bagyong si Ondoy (at pati na si Pepeng) namalas natin na hindi pa handa ang maraming lungsod, lalo sa Metro Manila, sa kaganapang ito. Malala ang pollution, na nagiging dahilan kaya barado ang drainage. Takaw-baha pa ang mga lugar. Hindi pa natutugunan ang pangunahing pangangailangan ng maraming mamamamayan.
Maisasakatuparan kaya ang mga nararapat na pagbabago sa panahong buhay pa ako?
Hindi ko pa nararating ang ibang lungsod sa labas ng Luzon. Malay natin, lubha pang maging mas maayos ang kalagayan sa mga ito. Kanais-nais na balita kung sakaling isa sa mga ito ang maging host city sa hinaharap.

Tuesday, September 22, 2009
Mga Araling Natutunan sa mga Nakaraang Araw
Kapag may bakanteng panahon, simulan agad ang anumang dapat tapusin. Mahirap matukoy kung ano ang susunod na mangyayari.
Kapag may sobrang pera, huwag mag-aksaya. Mahirap matukoy kung ano ang susunod na pagkakagastusan.
Ganyan pala ang kahalagahan ng panahon at pera ...

Friday, September 18, 2009
Kapuri-puring Taxi Driver
Ito po ay karugtong ng posting na "Isnaberong Taxi Driver #2."
Pinasakay kami ng driver ng taxi na ang plate number ay TXV 550. Ang pangalan ng operator ay Sailing.
Sa kabutihang-palad ay masasabing naging smooth-sailing ang biyahe patungo sa SM San Lazaro. Maparaan sa paghahanap ng rutang dapat tahakin upang makaiwas sa lugar na may mabigat na trapiko. Higit sa lahat, magalang siya sa mga pasahero.
Hindi ko ugaling magbigay ng tip sa taxi driver, pero sa pagkakataong iyon ay ginawa ko.
Sana ay marami pang driver na katulad niya.

Isnaberong Taxi Driver #2
Noon pong Biyernes ng gabi, Setyembre 18, ay kasama ko ang aking nobya sa pag-aabang ng taxi sa Crossings Department Store, Quezon Ave. Kami ay papunta sa SM San Lazaro, Manila. Hindi po kami pinasakay ng driver ng R & E taxi na may plate number na PXG 906.
Pakitandaan lang po at huwag kayong sasakay. Hindi dapat bigyan ng pagkakataong kumita ang mga taong nag-aasal nang ganito.

Wednesday, September 16, 2009
Bagong Noodle Soup ng Chowking
Sa umagang malamig ang simoy ng hangin, mainit na sabaw ang higupin.
Sinusunod ko ang pahayag na iyan. Ang init ng sabaw ay parang daloy ng ilog sa unang araw ng tagsibol. Tinutunaw nito ang niyebeng nakakulapol sa pampang. Kasabay ng lagaslas ang pangingibabaw ng sinag ng Araw. Unti-unting nagdudulot ng liwanag upang maaninag ang bughaw ng kalangitan, ang mga luntiang dahon, at ang kayumangging lupa.
Teka muna ...
Pihong naligaw na ako ng landas. Babagtasin ko lang naman sana ang ilog pero inanod ako.
Ako ay dadako na sa tunay na paksa. Ito ay ang bagong produkto na handog ng Chowking – ang Emperor's Beef Noodles.
Ganyan ang almusal ko para sa araw na ito. Una nating pagtuuunan ng pansin ang sabaw. Bukod sa angkop sa mga pinagsasabi ko, malalasahan nang husto ang mga panrekado. May halong Chinese pechay, siling pula, at sibuyas na mura. Kakaibang bango ang dulot ng tropa ng mga sangkap – napapawi ang urban odor mula sa labas na naipon sa ilong ko.
Iminumungkahi ko na mainam na gawing sawasawan ng Oriental Barbeque Pao ang sabaw.
Ang beef ay malambot – tamang-tama ang pagkaluto. Hindi pinahirapan ng karne ang ngipin ko at inaasahan kong magiging maganda ang digestion.
Dikit-dikit nga lang 'yung ibang noodles, pero palagay ko ay dulot iyon ng pagmamadali upang maihain kaagad ang bagong putahe. Marahil ay hindi naman ganoon sa ibang Chowking outlet.
Sa pangkalahatang pagsusuri ay nasiyahan ako. Isang mas murang alternatibo sa high-end beef noodles na mabibili sa Class A restaurants.
Ang bill:
1 Emperor's Beef Noodles merienda size ... PhP 79.00
1 Oriental Barbeque Pao (double) ... PhP 45.00
1 Nai Cha 12 oz. ... PhP 39.00
Subukan niyo rin...

Subscribe to:
Posts (Atom)